Naaresto na ang dalawang pasyenteng tumakas sa Delpan Quarantine Facility sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Chief Rolando Miranda, ang mga ito ay detainee na may kasong child abuse at may kinalaman sa ilegal na droga.

Kapwa sila positibo sa COVID-19 kaya nag-alala ang mga tauhan ng pasilidad na makahawa ang mga ito.

Inaalam na ngayon kung paano nakatakas ang dalawa, upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

Nag-uusap na rin sina Dr. Arnold Pangan ng Manila Health Department at ang mga otoridad upang ma-review ang sistema sa quarantine facility, lalo na ang isyung pang seguridad.