CENTRAL MINDANAO-Dalawa ang nasawi sa pamamaril sa Barangay Rebuken Sultan Kudarat Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Dayaba Kari 67 anyos,may asawa,negosyante,Legal Consultant ng LGU-Pagalungan Maguindanao at driver niya na si Danny Apostol,mga residente ng Pigcawayan North Cotabato.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Ronald Briones na habang sakay ang mga biktima sa isang Toyota Wigo kulay puti na may plakang ADP-3187 mula sa Cotabato City pauwi na ng kanilang tahanan.

Ngunit pagsapit ng mga biktima sa Brgy Rebuken Sultan Kudarat Maguindanao ay biglang nag-overtake ang isang Toyota Innova kulay brown (kayumanggi) kung saan pinagbabaril sila ng mga sakay nito gamit ang kalibre.40 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungong Parang Maguindanao.

Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo sila ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril patay sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.