Pansamantalang nabalam ang pagsisimula ng training workout ng Golden State Warriors matapos na magpositibo sa COVID-19 ang dalawang players.

Tumanggi namang isapubliko ng team ang mga pangalan ng mga players.

Ngayong araw magsisimula na sana ang individual player workouts habang sa susunod na linggo naman ang group player workout na bilang paghahanda sa preseason games at ang pormal na pagsisimula ng torneyo sa December 22.

Una nang naglabas ang NBA ng  health-and-safety protocol guide na kung sakaling merong player na magpositibo sa COVID kung saan kahit na ito ay asymtomatic ay kailangang mag-quarantine ng 10  araw.

Kung sakaling magsimula na sa workout kailangang i-monitor ulit ng dalawang araw ang player.

Batay pa sa patakaran, kailangan din na dalawang beses na magnegatibo sa PCR test ang isang player.

Kung maalala bago ang NBA bubble kamakailan maraming players at mga staff ang nagpositibo sa coronavirus na umabot sa mahigit 30.