-- Advertisements --
image 154

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs, na umabot na sa dalawang Pilipino ang namatay sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Palestinian Militant na Hamas at Israel

Sa isang post online sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na mariin nilang kinondena ang pagkakapatay ng dalawang Pilipino at lahat ng mga gawaing pang terorismo at karahasan na bunga ng ginawang aksyon ng Hamas sa bansang Israel.

Sinabi rin ng opisyal na nakahanda ang Pilipinas na makipagtulungan sa ibang bansa upang magkaroon ng pangmatagalang solusyon ang hindi pagkakaintindihan ng dalawang bansa.

Hindi na rin nagbigay pa na ang iba pang detalye si manalo tungkol sa nasawing mga Pinoy.

Una rito ay inanunsyo ng ahensya na nasa anim na Pilipino pa rin ang naiulat na nawawala sa naturang bansa ng magsimula ang giyera sa lugar.

Ayon naman sa Overseas Workers Welfare Administration , dalawang Pilipino ang nagpapagaling matapos na ma injured dahil sa pag-atake ng Hamas.

Samantala, nangako si Manalo na magpapatuloy ang gobyerno ng Pilipinas sa pagbibigay ng tulong sa lahat ng mga apektadong mga Pilipino sa Israel at Palestine.

Batay sa datos , aabot sa 30,000 na mga manggagawang Pilipino ang nananatili sa Israel habang 167 naman ang nasa Gaza Strip.

Iminungkahi na rin ng DFA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas na ang Alert Level; 3 sa Gaza Strip upang makapagpatupad na ang Pilipinas ng Voluntarily Evacuation sa lugar.

Una namang sinabi ng DMW na sa tamang panahon ay sisimulan na nila nag pagsasagawa ng repatriation sa Israel para sa mga Pilipinong gusto ng bumalik sa Pilipinas.