Napili ang dalawang Filipino artists na gumawa ng obra sa nagretirong NBA star na si Vince Carter.

Makikita ang gawa nina Jayson Atienza at AJ Dimacurot sa tribute website na inilunsad para kay Carter.

Sa kaniyang Instagram post, nagpasalamat si Atienza dahil isa siya sa 15 mga artist sa buong mundo na napili para magbigay tribute kay Carter.

Hindi naman makapaniwala si Dimarucot na mapili ang kaniyang obra.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay inanunsiyo ng NBA star na ito ay magreretiro na matapos ang mahigit 20 taon na paglalaro sa NBA.