Dalawang katao ang naitalang patay matapos na hindi na sila makalabas sa nasusunog na bahay sa residential area sa Quezon City.

Halos dalawang oras bago tuluyang maapula ang sunog na nagsimula pasado alas-8:00 kagabi sa Road 3, Barangay Bagong Pag-Asa.

Umabot pa ang nasabing sunog sa ikalawang alarma.

Base sa ginawang inisyal na imbestigasyon, hindi na nakalabas ang mga biktima sa nasusunog nilang bahay.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi at kung magkano ang naging pinsala ng nasabing sunog.