drown agusan child

BUTUAN CITY – Patay ang magkakapatid habang nailigtas naman ang isa pa matapos malunod habang naliligo ng dagat ang kanilang pamilya kahapon ng ala-1:40 ng hapon sa Brgy. Dahican, sa bayan ng Magallanes, Agusan del Norte.

Dead-on-arrival sa ospital ng nasabing bayan sina Jericho Bagayas, 10, at Jim Carlo, 18, habang nailigtas naman ang 12-anyos na si Japer, parehong residente ng Purok 6, Brgy. Baan sa lungsod ng Butuan.

Ayon kay Staff Sergeant Imam, humingi na lang ng tulong ang tatlo nang hindi na makaahon mula nayapakan nilang putikang bahagi ng lupa sa kasagsagan ng kanilang paliligo.

Samantala inihayag naman ni Lt. Angelo Gestano ng Butuan City Police Station o BCPS-5 sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, na patuloy pang pinaghananap ang isang bata na naanod ng malakas na current ng Agusan River kung saan sila naligo dakong alas-dose kahapon ng tanghali sa Purok-1, Brgy. Mandamo sa lungsod ng Butuan.

Sa natura namang insidente ay nailigtas ang dalawa nitong mga kasamahan na nasa ospital ngayon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here