KORONADAL CITY – Nakakulong na sa ngayon ang dalawang Pakistani national matapos maaresto dahil sa overstaying at pamemeke ng immigration documents sa Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ang mga suspek na sila Adeel Anwar at Ameer Hamza Imtiaz dahil sa overstaying at possession of fake documents.

-- Advertisement --

Ayon sa Polomolok PNP, naaresto ang dalawang suspek dahil sa pinagsamang puwersa ng Polomolok PNP at Bureau of Immigration- Mindanao Intelligence Task Group Operatives sa Sanchez Subdivision, Barangay Poblacion, sa nasabing bayan.

Napag-alaman na tatlo ang target ng operasyon ngunit wala sa lugar ang kasamahan nila na kinilala na si Mohib Hussain sa isinagawang operasyon.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ang kasamahan ng mga suspek.

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang mga Pakistani national habang isinailalim naman sa verification process ang mga ito.