(Update) NAGA CITY – Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang apat pang kasama ng dalawang Nigerian national at Pinoy na naaresto dahil sa iligal na droga sa Naga City, Camarines Sur.

Ayon kay Senior M/Sgt. Tobby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office, umamin ang dalawang banyaga na may iba pa silang kasama na pumasok ng Pilipinas para sa iligal na aktibidad.

Kinilala ang mga Nigerian na sina Mbaneto Sopuluchuwu, 22-anyos, at Judith Balaquio-Camacho, 46, na nadakip dahil sa pagbebenta umano ng mahigit P600,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu.

Nahuli rin ang kanilang kasama na si Azubuike Onwigbolu, 22, sa hiwalay na operasyon na hawak naman ang P16 milyong halaga ng sinasabing illegal drugs.

Samantala, kulungan din ang bagsak ng isang dating opisyal ng Naga-Philippine National Police na si Benjamin Navarro Jr., 58, matapos makumpiskahan ng mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu.

-- Advertisement --