CENTRAL MINDANAO-Dalawa katao ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Juanito Gulaya at Pablito Dulay,sugatan naman sina Julito Mangalin at Loreto Villar, mga residente ng Brgy Baynosa Tulunan North Cotabato.

Ayon sa ulat ng Tulunan PNP na lulan ng motorsiklo ang mga biktima papauwi na sa kanilang tahanan galing sa pagpupulong sa tahanan ni Datu Antonio Dalunan na isang IP representative ng kanilang Barangay.

Sinundan ng mga suspek ang magkakapitbahay at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Patay on the spot ang dalawa sa mga biktima habang naisugod sa pagamutan ang kanilang mga kasamahan.

Sa ngayon ay blangko pa ang ulunan PNP sa motibo sa pamamaril sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.