-- Advertisements --

Dalawang indibidwal na umano’y nagbebenta ng fraudulent SIM cards, inaresto ng mga tauhan ng NBI
Loops:

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang dalawang indibidwal na umano’y sangkot sa pagbebenta ng fraudulent Subscriber Identity Module (SIM) cards.

Kinilala ng NBI ang mga suspect na sina Marvin Eugenio at Marcedes Clemente.

Parehong nahaharap na ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act No. 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act, RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at RA No. 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998 na may kaugnayan sa RA No. 10175.

Naaresto ang mga suspect matapos ang ikinasang operasyon ng NBI Cybercrime Division (NBI-CCD at NBI Special Task Force (NBI-STF) sa bisa ng Warrants to Search, Seize, and Examine Computer Data na inisyu naman ng Caloocan City RTC Branch 123.

Kasabay ng operasyon ay nakumpiska naman ang nasa 6,000 suspected pre-registered SIM Cards, apat na set ng 32-port SIM Banks at ilang set ng PC at CP.

Tiniyak naman ng pamunuan ng NBI na magpapatuloy ang kahalintulad na operasyon upang masawata ang ganitong uri ng ilegal na gawain.