Nakatakdang maghost ang Saudi Arabia ng unang professional golf tournaments para sa mga kababaihan sa buwan ng Nobyembre.

Unang gaganapin ang Saudi Ladies International sa Nobyembre 12-15 habang ang Saudi Ladies Team International ay mula November 17-19.

Kapwa gaganapin ang nasabing torneo sa Royal Greens Golf Club.

Unang itinakda ang nasabing Saudi Ladies International noong Marso subalit ito ay ipinagpaliban dahil sa coroanvirus.

Sinabi ni Alexandra Armas ang chief executive ng Ladies European Tour na labis silang nagpapasalamat dahil sa naging bahagi ang Saudi Arabia sa kasaysayan.

Mayroong prize money na $1 million para sa single at $500,000 sa team events.

Kapwa gaganapin ang dalawang event sa bio-secure environment.