Agad na ipapa-deport kapag napatunayang banyaga ang dalawang indibidwal na nakuhanan ng larawan ng PNP na kasama ng militanteng grupo na nagsagawa ng kilos protesta.

Sa panayam kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde na may dalawang foreign looking individual ang nakitang kasama ng mga raliyesta kanina.

Sinabi ni Albayalde na kasalukuyang bina-validate na ang identity ng dalawang foreign looking individuals.

Kung mapatunayan daw na banyaga ang mga ito ay agad silang ipapa-deport.

Una nang nagbabala ang PNP sa mga foreign tourist na huwag makibahagi sa mga kilos protesta at sa panloob na usapin ng Pilipinas.

Dapat daw respetuhin ang batas ng Pilipinas na siyang host country sa 31st ASEAN Summit 2017.

Sa assessment naman ni Albayalde kaugnay sa seguridad, aniya, “very smooth” ito at wala silang nakitang “glitches” sa kanilang ipinatupad na security measures.