MMDA traffic enforcers (file photo)

Inaresto nang mga kapulisan ang dalawang pekeng traffic enforcers sa lungsod ng Makati.

Sinabi ni Police Maj. Howell Joseph Greñas ng Highway Patrol Group (HPG), naaresto nila ang mga suspek na nagbibigay ng security sa isang negosyante.

Nakasuot pa ang dalawa ng uniporme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at gumagamit ng motor na may blinkers at sirena.

Inamin ng mga naaresto na isang taon na silang tinanggal bilang empleyado ng MMDA.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa dalawa.