Dalawang Cruise ang nagbanggaan habang ito ay nasa Cozumel port sa Mexico.

Nagresulta ng isang pasahero ang nasugatan sa nasabing banggaan ng Carnival Glory at Carnival Legend.

Tinatawag ng mga otoridad ang pangyayari bilang allision kung saan binangga na isang umaandar na isang cruise ang nakahintong cruise.
Agad namang pinalikas ang mga pasahero ng dalawang cruise.

Iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing insidente.