-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inaalam ngayon ng pulisya kung mayroong kaugnayan sa rido o personal na bangayan ng mga angkan ang dahilan pagbaril-patay sa dalawang engineering students sa loob mismo ng Mindanao State University (MSU) Marawi Campus sa Marawi City, Lanao del Sur.

Sa ngayon, wala pang ideya ang PNP kung bakit pinaslang mga biktima na sina Hamsa Ra-uc at Omar Sayna na parehong third year engineering students na taga Balo-i, Lanao del Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col. Christopher Panapan na ginamitan pa ng caliber 40 ng hindi kilalang mga salarin ang mga biktima kaya agad silang namatay.

Sinabi ni Panapan na pinabalikan nito ng kanyang mga tauhan mula sa Marawi City Police Office ang unibersidad upang ipagpatuloy ang imbestigasyon hinggil sa pangyayari.

Agad namang kinuhan sa mga kaanak ang mga bangaky ng mga biktima upang masunod ang kustombre ng paniniwalang Islam