Nagkasundo na ang Department of Energy (DOE) at mga kinatawan ng downstream oil industry upang talakayin ang ”staggered” o dahan-dahang pagpapatupad ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ito ay bilang tugon sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis bunsod parin ng tumitinding tensyon sa Middle East kabilang ang Israel at Iran.
Ayon kay DOE Officer-in Charge Sharon Garin, layunin ng hakbang na ito na bawasan ang biglaang epekto ng taas presyo lalo na sa sektor ng transportasyon at agrikultura. Una naritong inatasan ang mga kumpanya ng langis na magsumite ng detalye ng kanilang ”staggered” implementation ngayong araw, Hunyo 23 bago mag alas-6 ng gabi.
Hinimok din ng DOE ang mga kumpanya na palawakin ang pagbibigay ng fuel discounts sa transport sector ng sagayon ay matalakay ng maayos na gaganapin sa Hunyo 25.
Ipinahayag naman ni Undersecretary Alessandro Sales na ang speculative trading at hindi aktwal na kakulangan sa suplay ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa kasalukuyan kasi ang average na presyo ng petrolyo sa bansa ay:
- Gasolina – P55.90/litro
- Diesel – P53.40/litro
- Kerosene – P70.22/litro
Samantala magpupulong rin si Garin kasama ang Department of Transportation at Department of Agriculture bukas, Hunyo 24, upang ihanda ang posibleng subsidiya para sa mga tsuper at magsasaka sakaling lumampas sa $80 per barrel ang presyo ng langis. Sa ngayon kasi nasa $75.16 na ang presyo ng Dubai crude.
Nanawagan din ang DOE sa publiko na magtipid sa paggamit ng langis sa pamamagitan ng carpooling, tamang maintenance ng sasakyan, at pag-iwas sa idle na makina.