BUTUAN CITY – Narekober na sa lokal na mga opisyal kasama ang pulisya at militar sa Sison, Surigao del Norte ang dalawang mga Civilian Active Auxiliary o CAA members na noon pang Abril 4, 2019 missing.

Ito ay matapos itinuro sa mga nakasaksi ang kanilang libingan nang hindi na sila maka-uwi pa galing nangaso matapos dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA.

Nakilala ang mga biktimang sina Ermil Madrona, 35-anyos at dating barangay kagawad na si Bertoldo Rangas, 40-anyos, parehong may-asawa at nadestino sa Mayag Patrol Base sa Brgy. Gacepan.

Nitong Martes, pinuntahan ng operatiba ang bundok kung saan sila inilibing sa pangunguna ni Sison Mayor Karissa Fetalvero-Paronia kasama ang 30IB Philippine Army ,Sison MPS, ang SOCO team at mga personahe ng 1st Company sa Surigao del Norte Provicial Mobile Force Company resulta sa pagkarekober sa kanilang mga kalansay.