Maituturing umanong isang malaking hamon kay bagong PNP chief, Lt. Gen. Camilo Cascolan ang hanggang dalawang buwan lamang niya sa pwesto.
Magugunitang hanggang Nobyembre 10 ngayong taon lamang magsisilbi bilang PNP chief si Cascolan dahil magreretiro na rin ito.
Gayunpaman sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya, dito mapatutunayan ni Cascolan ang kanyang kakayahan para magkaroon ng mahahalagang programa o trabaho kahit sa loob lamang ng dalawang buwan.
Naniniwala si Usec. Malaya na hindi kwestyon dito ang ikli ng panahon sa tungkulin ng isang opisyal dahil kung talagang gugustuhin nito ay marami pa rin itong magagawa at mapatutunayan nito ang kanyang malaking impact.
Kabilang sa inaasahan ng DILG na magagampanan ni Gen. Cascolan ay ang pagtiyak na mas mahigpit na maipatutupad ang mga tungkulin ng Joint Task Force COVID-19 sa patuloy na laban ng bansa sa pandemya.