CAGAYAN DE ORO CITY- Bugbog at pasa sa katawan ang inaabot ng dalawang Brgy tanod na nagsagawa ng community quarantine curfew sa Brgy Puntod dito sa lungsod.

Kinilala ang mga biktima na sina Jemy Bonga, 54, at Jeorge Furia, 66.

Habang naglilibot umano sa Purok Celrai sa naturang Barangay ang mga tanod ay nakita nila ang apat na mga lalaking nag-iinuman kayat kinumpronta pero nauwi sa sakitan.

Dahil dito, agad namang hinuli ng mga pulis ang mga suspek na sina Loyd Penanueva, 20, Prince Val Tupag, 23, Jasper Marquez, 34, at Mark Bryan Dacu, 22 anyos.

Inihanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.