-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sumuko ngayon ang dalawang mga bilanggo na una ng tumakas matapos lusubin ang Davao Oriental Provincial Jail ng Pinatikan Religious Group sa nakaraang linggo.

Mismong si Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang ang nagpresenta sa dalawang mga detainees na nakilalang sina Laudico Lintuan at Gil Suga-an, na parehong nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Una ng sumuko ang mga suspek kay Tarragona Mayor Nestor Uy, na alkalde sa lungsod matapos ang kanilang pagtatago sa mga otoridad sa loob ng ilang araw.

Una ng sinabi ng mga tumakas na mga detainees na sumama lamang sila sa mga lumusob na mga grupo sa bilanggoan at umuwi sa kanilang mga pamilya dahil na-mimiss na umano nila ang mga ito.

Pinaalalahanan na lamang ni Gov. Dayanghirang na kailangan nilang harapaon ang mga parusa matapos ang kanilang pagtakas.

Nakatakda rin na ibalik sa Provincial Jail ang mga suspek kung matatapos na ang kanilang mga medical at swab tests.

Magpapatupad rin ang Davao Oriental Provincial Jail ng mga pagbabago para hindi na mangyari ang parehong insidente na paglusob ng religious group.

Nabatid na una ng sinabi ng isa sa mga suspek na miyembro ng Pinatikan na nagawa lamang nila ang pagtakas matapos silang makatanggap ng sulat mula sa kanilang lider na si Cornelio Galon III na nakakulong sa nasbaing pasilidad.

Laman ng nasabing sulat ni Galon, na gusto na nitong makalabas dahil nahihirapan na ito sa kulungan.