Pinatay ng isang binata ang dalawang bata sa isang nursery sa Brazil.

Sugatan rin sa insidente ang guro ng mga bata na may-edad na dalawang taon gulang.

Ayon sa mga otoridad, armado ng itak ang suspek ng pumasok ito sa nasabing nursery school sa bayan ng Saudades, Santa Catarina.

Tinangka pa ng suspek na magpakamatay subalit ito ay napigilan ng mga dumating na residente.

Dinala na sa pagamutan ang biktima at ang guro sa nasabing insidente.

Inaalam pa rin ng mga otordad ang motibo ng suspek sa nasabing insidente.