Aabot sa mahigit dalawang milyong katao ang dumalo sa libreng konsiyerto ng singer na si Lady Gaga sa Copacabana beach sa Rio de Janeiro.
Ito ang itinuturing na pinakamalaking konsyerto ng pop star na binayaran ng lungsod para mabuhay muli ang ekonmiya ng bansa.
Inaasahan kasi ng gobyerno na ang nasabing konsyerto ay magdadala sa kanila ng $100 milyon na kita sa ekonomiya.
Ang konsiyerto na ito ni Lady Gaga ay bahagi ng kaniyang pang-walong album na “Mayhem” kung saan kabilang dito ang mga kanta gaya ng “Abarcadabra” at “Die With a Smile”.
Huling nagtanghal ito sa Brazil ay noon pang 2012 kung saan umaga pa lamang ay pumila na ang mga fans at inabot ng ilang oras bago makapasok sa lugar.
Magugunitang noong Mayo 2024 ng magsagawa rin ng libreng konsyerto ang singer na si Madonna at ito ay binayaran din ng lungsod.