-- Advertisements --

Ibinunyag ni Priscilla Meirelles na tuluyan na silang hiwalay ng asawang si John Estrada.

Sinabi nito na opisyal ng inaprubahan ng korte ang kanilang diborsyo.

Dagdag pa ng dating Miss Earth 2004, nagtungo ito sa Brazil noong 2024 para magsampa ng divorce.

Giit nito na bilang dayuhan ay mayroong karapatan itong i-divorce ang asawa niya.

Nagpasya itong i-divorce ang asawa ng 14 na taon dahil hindi na niya nakikitang magiging maganda pa kung magkasama sila.

Aminado nito na hindi naging masaya ang aktor ng mabalitaan ang nasabing pag-divorce sa kaniya.