-- Advertisements --

Lima ang nasawi matapos ang pananalasa ng malalakas na hangin sa rehiyon ng Rio de Janeiro at São Paulo sa Brazil.

Ayon sa ulat, nagdulot ng matinding pinsala ang hanging may lakas na umabot sa 100 kilometro kada oras, na nagpabagsak ng mga puno at poste ng kuryente.

Maraming kabahayan ang nawalan ng suplay ng kuryente at ilang kalsada ang pansamantalang isinara dahil sa mga bumagsak na debris.

Sinuspinde rin ang operasyon ng ilang pampublikong transportasyon habang patuloy ang clearing operations ng mga awtoridad.

Nagbabala ang mga opisyal ng panahon na posibleng magpatuloy pa ang masamang lagay ng panahon sa mga susunod na araw.

Patuloy namang nananawagan ang lokal na pamahalaan sa mga residente na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan para sa kaligtasan.