-- Advertisements --
Naglabas ng desisyon ang korte ng Brazil na nag-aatas ng pagsisimula ng 27-taon na pagkakakulong ni dating President Jair Bolsonaro.
Ayon kay Supreme Court Justice Alexandre de Morales, na ang kaso ay may kaugnayan sa pagpaplano nito ng kudeta.
Hindi na inapila ng defense team ni Bolosonaro ang desisyon sa tangkang 2022 kudeta.
Tinangka kasi ni Bolsonaro na magtawag ng kudeta laban sa pumalit sa kaniya na si President Luiz Inacio Lula da Silva.
Una ng sinabi ng mga abogado ni Bolsonaro na hindi makatarungan ang pag-aresto kay Bolsonaro dahil nakakaapekto ito sa kalusugan niya.















