Nakarekober ngayon ang isang batang lalaki sa coronavirus disease(COVID-19) nitong lungsod ng Cebu habang dalawang bagong silang na sanggol naman ang pinakabagong naitalang nagpositibo.
Nagmula ang mga pasyente sa Mandaue City kung saan kasalukuyan itong naka-admit sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at ang isa naman ay nagmula sa Poblacion, Toledo City na naka-admit rin sa district hospital ng lungsod.
Ayon pa kay Toledo City Mayor Marjorie Perales na ilang oras matapos isinilang ang sanggol, nahihirapang itong huminga at lumabas naman sa pagsusuri ng mga doktor na mayroon itong neonatal pneumonia.
Dahil dito, inilipat ang bata sa Talisay District hospital at doon na lumabas ang resulta na nagpositibo ito sa nasabing virus.
Isasailalim naman sa quarantine ang attending midwife at sa mga healthworkers ng Toledo district hospital na naexposed sa bata.
Nasa mabuting kalagayan na sa ngayon ang nasabing sanggol.
Samantala, nagnegatibo na sa COVID-19 ang isang 1-year old na lalaking nagpositibo noong Mayo 2 na nagmula sa Pardo Cebu City.
Wala namang ipinapakitang sintomas ang bata at negatibo rin ang mga magulang nito sa isinagawang re-swab testing.