-- Advertisements --

Inanunsyo ng Philippine Basketball Association (PBA) na negatibo ang lahat ng mga manlalaro sa pinakabagong pagsailalim sa RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) tests.

Ito ang pangatlong beses na pagsailalim sa RT-PCR tests ng 12 participating teams sa PBA bubble.

PBA bubble nega players

Una nang inihayag ng Department of Health na RT-PCR, at hindi antigen test ang kailangan ng COVID-19 case sa PBA bubble.

Ito’y matapos makapagtala ng dalawang “false positive” sa loob ng dalawang linggo, dahilan upang ipagpaliban ang ilan sa mga naka-schedule na laro.

Itinakda ang pagbabalik ng PBA bubble sa darating na Martes, November 3.