Pumalo na sa 2.65 million ang bilang ng mga empleyado ng mga maliliit na negosyo ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang ika-walong lingguhang report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na P20.4 billion na ang nailabas ng Social Security System (SSS) para sa 2,654,155 beneficiaries ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) program.
Ang programang ito, na may pondo na P51 billion, ay hahatiin ng P5,000 hanggang P8,000 kada tranche para sa bawat benepisyaryo, dipende sa minimum wage levels sa kanikanilang rehiyon.
Ayon kay Pangulong Duterte, nailipat na ng Bureau of Treasury sa Development Bank of the Philippines noong Mayo 13 ang nalalabing P25.5 billion na nakalaan para sa second tranche ng SBWS program, na nakatakda mula Mayo 16 hanggang 31.