Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga otoridad sa Italia matapos na masangkot sa aksidente ang 19 na mga Filipino.

Ayon sa DFA na hawak na ng Philippine embassy ang kanilang mga pangalan at ipinaalam na nila sa kani-kanilang mga kaanak sa Pilipinas ang sitwasyon.

Wala namang matinding pinsala sa mga OFWs.

Gayundin walang gaanong kritikal sa nangyaring aksidente sa Via Cassia sa Rome.