Patay ang 19 na katao matapos ang naganap na malakas na pagsabog sa isang health clinic sa Tehran, Iran.

Nagdulot ng matinding pagkasira ng gusali ng Sina At’ har health center ang nasabing pagsabog.

Maging nag mga kalapit na gusali at nasira.

Ayon sa emergency medical services ng Tehran, 15 sa mga nasawi ay pawang mga babae.

Mayroon anim na biktima rin ang nananatili sa pagamutan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ganun din ang mga nasa likiod ng nasabing pagsabog.