Patay ang 19 na katao matapos ang pagbangga ng bus sa isang tren sa Pakistan.

Naganap ang insidente sa Sheikhupura district sa Punjab province.

Pawang mga Sikh pilgrims ang lulan ng bus na galing sa Peshawar city at pabalik sa Nankana Sahib shrine sa Sheikupura.

Agad namang itinakbo sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, pinilit ng driver ng bus na tumawid sa riles at di namalayan ang mabilis na pagdaan ng tren.