-- Advertisements --
Patay ang nasa 38 katao matapos ang banggaan ng bus at minibus sa Tanzania.
Nangyari ang insidente sa Sabasaba sa Kilimanjaro region kung saan base sa imbestigasyon ay sumabog ang gulong ng bus.
Dahil sa insidente ay nawalan ng kontrol ang driver at naibangga nito sa kasalubong ng minibus.
Dinala naman sa pagamutan ang 28 na katao na sugatan sa nasabing insidente.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si President Samia Suluhu Hassan sa mga pamilya ng nasawing mga biktima.