-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 19 katao ang infected ng bagong variant ng Coronavirus Disease sa rehiyon 12.

Ito ang kinumpirma ng mga opisyal ng Regional Inter-Agency Task Force o IATF.

Ayon kay Department of Health (DOH-12) Regional Director Aristedes Concepcion-Tan na sa buong rehiyon, 10 mga pasyente ang may UK variant ng virus, apat ang may African variant, dalawa ang may tinatawag na variant of concern/mutation with potential clinical significance, at tig-isang pasyente ang napatunayang may Brazil, Indian at isa pang bagong variant na wala pang identity.

Gen. Santos City at North Cotabato ay kapuwa merong pitong pasyente na may new variants ng COVID, apat sa South Cotabato at isa sa Sultan Kudarat.

Sa North Cotabato, lahat ng mga pasyenteng may bagong variant ay gumaling na.

Ayon kay Tan, walang clinical observation na naitala na ang mga bagong variant na ito ay mabilis makahawa at tiyak nakakamatay.

Idinagdag niya na ang paraaan ng treatment sa may bagong variant at origina COVID variant ay pare-pareho lahat.