Mula sa 1,733 kahapon, tumaas sa 1,768 ngayong araw ng Linggo ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DOH) kaninang alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 439,834 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 9,062 na bagong recoveries kung saan nasa 408,634 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.

Nasa 8,554 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng 29.