Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng panibagong 18,449 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Dahil dito ang mga aktibong kaso ngayon sa bansa ay 6.3% o katumbas ng 158,169.

Sa kabuuan ang mga dinapuan ng virus mula noong nakaraang taon ay nasa 2,509,177.

Marami naman ang mga naitala na mga bagong gumaling na pasyente na nasa 21,811.

Sa kabuuan ang mga nakarekober na ay nasa 2,313,412.

-- Advertisement --

Gayunman merong 93 na mga nadagdag na pumanaw sa bansa.

Ang death toll dahil sa deadly virus ay umaabot na sa 37,494.

Meron naman dalawang laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang datos.

“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 25, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.07% sa lahat ng samples na naitest at 0.04% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi ng abiso ng DOH.

Ang paglalabas ng naturang mga bagong datos ay nabalam makaraang pasado na alas-6:00 ng gabi ng Lunes naisapubliko ito ng DOH.