LAOAG CITY – Agad na inilagay sa quarantine area ang 18 mga health personnel ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center ng Batac City, Ilocos Norte matapos mapaanak ang ikaapat na COVID-19 positive sa lalawigan.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Shirley Agrupis ng Mariano Marcos State University na naka-quarantine ang mga health personnel sa University Mansion.

Ang COVID-19 positive o IN-C4 ay 30-anyos, isang buntis, nanggaling sa United Arab Emirates at residente ng Brgy Catangraran, Solsona, base sa pagkumpirma ng Provincial Government ng Ilocos Norte.

Dagdag ni Dr. Agrupis na ito ay tulong narin nila sa mga frontliners ng nasabing hospital na manatili pansamantala sa University Mansion ang mga health personnel.