Reading Time: 1 minute

Nasagip ng mga kapulisan ng Maynila ang 18 kabataan na nagpapalaboy-laboy sa lansangan ng Sampaloc.

Sinabi ni Police Capt. Edwin Fuggan, commander ng Lacson Police Community Precint, nagsagawa sila ng pag-ikot mula España Boulevard hanggang Tuazon St. kung saan naaresto ang mga kabataan.

May edad mula 9 hanggang 16 ang 10 lalaki at 8 mga kababaihan.

Naaktuhan pa ang ilan sa mga ito na gumagamit ng solvent habang ang iba ay nakatambay lamang sa kalsada.

Nakatakdang ipasakamay ang mga ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).