-- Advertisements --
Nasa ilalim na ng Signal #1 ang 18 lugar sa Luzon dahil sa bagyong Nando.
Ayon sa 11 p.m. tropical cyclone bulletin ng state weather bureau ngayong Sabado, ang mga sumusunod na lugar ay makararanas ng hangin na may bilis na 39 hanggang 61 km/h sa loob ng susunod na 36 na oras:
- – Batanes
- – Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands
- – Isabela
- – Quirino
- – Apayao
- – Kalinga
- – Abra
- – Mountain Province
- – Ifugao
- – Benguet
- – Nueva Vizcaya
- – Ilocos Norte
- – Ilocos Sur
- – La Union
- – Eastern portion ng Pangasinan (Umingan, San Quintin, San Nicolas, San Manuel, Sison, Pozorrubio, San Fabian, Mangaldan, San Jacinto, Binalonan, Asingan, Tayug, Natividad, Santa Maria, Balungao, Rosales, Manaoag, Laoac, City of Urdaneta, Villasis, Santo Tomas, Mapandan, Santa Barbara)
- – Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, San Jose City, Pantabangan, Bongabon, Laur, Gabaldon, General Mamerto Natividad, Rizal, Llanera, Talavera, Science City of Muñoz, Santo Domingo, Talugtug, Palayan City)
- – Northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis)
- – Northern at central portions ng Catanduanes (Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, San Miguel, Baras)
Nagbabala ang ahensya na posibleng itaas hanggang Signal No. 5 habang patuloy na lumalakas si Bagyong Nando.