Mahigit 18 million Pilipino na ang nabakunahan kontra COVID-19 magmula nang sinimulan ang inoculation program noong Marso 1.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, 40.9 million doses na ng iba’t ibang brands ng COVID-19 vaccines ang naituturok base sa kanilang datos noong Setyembre 18.
Sa naturang bilang, 22.6 million ang nabigyan ng first dose at 18.2 million naman ang bakunado na ng second dose.
Pagdating sa supply ng bakuna, 59 million doses na ng COVID-19 vaccines mula sa iba’t ibang international manufacturers ang natanggap na ng Pilipinas.
Sa ngayon, hangad aniya nilang madagdagan ang supply ng one-dose Jhongson&Jhonson vaccine mula sa COVAX facility dahil ito ang mas gusto raw ng mga senior citizens, ang pinaka-vulnerable na sektor.