-- Advertisements --

Pinakamahirap si Senador Chiz Escudero habang pinakamayaman naman si Senador Mark Villar sa 19 na mga senador na nagsapubliko ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Batay sa certified true copy ng SALN na inilabas ng tanggapan ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., papalo sa ₱1.261 billion ang kabuuang yaman ni Villar samantalang ₱18.8 million naman kay Escudero.

Sumunod kay Mark Villar, si Senador Raffy Tulfo na mayroong kabuuang yaman na ₱1.052 billion. 

Sinundan nina: 

Sen. Erwin Tulfo – ₱497 million. Sen. Migz Zubiri – ₱431.78 million. Sen. Camille Villar – ₱362.07 million.
Sen. Ping Lacson – ₱244.94 million.
Sen. Robin Padilla – ₱244.04 million. Sen. Jinggoy Estrada – ₱221.21 million.
Sen. Lito Lapid – ₱202.04 million.
Sen. Tito Sotto – ₱188.87 million.
Sen. JV Ejercito – ₱137.08 million.
Sen. Pia Cayetano – ₱128.29 million.
Sen. Win Gatchalian – ₱89.52 million.
Sen. Bam Aquino – ₱86.55 million.
Sen. Loren Legarda – ₱79.21 million.
Sen. Joel Villanueva – ₱49.50 million.
Sen. Kiko Pangilinan – ₱26.73 million.
Sen. Risa Hontiveros – ₱18.99 million.
Sen. Chiz Escudero – ₱18.84 million.

Samantala, sa 19 na mga senador na naglabas ng kanilang SALN, walo ang walang naitalang utang o liability. Kinabibilangan ito nina:

Senators Raffy Tulfo, Escudero, Gatchalian, Aquino, Padilla, Pangilinan, at magkapatid na Villar. 

Lima pang senador ang hindi naglalabas ng kanilang yaman, kabilang sina:

Sen. Alan Cayetano
Sen. Bato dela Rosa
Sen. Bong Go
Sen. Rodante Marcoleta
Sen. Imee Marcos

Samantala, sa panayam kay Gatchalian, chairman ng Committee on Finance, nagkaroon lamang daw ng kaunting paggalaw ang kanyang assets.

Iginiit din nitong mahalagang isapubliko ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang yaman upang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga lingkod-bayan.

Aniya, ang pagsasapubliko ng SALN ay isang konkretong hakbang upang maipakita ang transparency at integridad ng mga opisyal ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Gatchalian, dahil isa-isa nang naglalabasan ng mga SALN ang senador, susunod na rin ang iba pang mga mambabatas.