-- Advertisements --

Pinapaaresto ng korte sa Thailand ang 17 katao na may kaugnayan sa pagguho ng gusali matapos ang naganap na lindol noong Marso.

Ang 30-palapag na gusali ay itinayo para sa State Audit Office kung saan ito ay gumuho ng tumama ang magnitude 7.7 na lindol na naramdaman din sa Myanmar.

Sa nasabing pagyanig ay nakadiskubre sila ng 89 na bangkay mula sa gumuhong gusali habang mayroong pitong iba ng nawawala.

Ang nasabing warrant of arrest ay inilabas laban sa nag-desensyo, nag-construct at ang supervisor ng tower.

Isa sa mga pinapaaresto ay ang negosyanteng si Premchai Karnasuta na dating pangulo ng Italian-Thai Development isa sa pinakamalaking construction firms sa Thailand.