Nasa 16 manggagawa ang nasawi matapos dahil sa coal mine poisoning sa China.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, biglang nasunog ang conveyor belt madaling araw nitong Linggo.

Dahil sa pagkakasunog ay nagdulot ito ng delikadong level ng carbon monoxide.

Nagsagawa ng rescue operations ang mga otoridad para mailigtas ang ang mga naipit na minero sa lugar.

Pag-aari ng state energy na Chongqing Energy ang Songzao Coal Mine na matatagpuan sa labas ng Chongqing city.