Nasa 155 barangay officials ang iniimbestigahan ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa anomalya sa Social Amelioration Program (SAP) funds.


Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano patuloy ang pagdating ng mga pangalan ng mga barangay officials na sangkot sa SAP anomalies.

Ibinunyag ng kalihim may mga barangay officials isinama sa listahan ang kanilang mga kamag-anak sa ipinamahaging cash aid ng gobyerno.

Nabatid ito matapos ipinaskil ang listahan ng mga beneficiaries sa barangay hall kaya marami ang nagsalita.

Pagtiyak ng kalihim, mananagot ang mga nasabing barangay officials na nagbigay ng ayuda sa kanilang mga kamag-anak na hindi dap.

Sa second tranche ng SAP distribution nasa 4 million beneficiaries ang isinailalim na sa validation ng ahensiya habang 99 percent na ang distribution ng cash aid ang nakumpleto na.

Inihayag ni Ano, nasa limang milyong pamilya ang hindi nabigyan ng ayuda nuong first tranche kaya sila ang magiging prayoridad sa second tranche ng cash aid kung saan tutulong na ang AFP at PNP sa DSWD sa pamamahagi ng ayuda.


Ayon naman sa DSWD magiging cashless na ang distribution ng cash aid dahil ang gagamitin sa second tranche ay atm payment transaction at electronic money transfer.