-- Advertisements --

Mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang nasa 153 na kapulisan na sangkot sa 52 kaso ng pagpatay mula sa kanilang iligal drug operations.

Sinabi ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na kanila ng inabisuhan ang PNP ukol sa nasabing usapin.

Magpupulong aniya ang DOJ at NBI para sa case build-up at pagsampa ng kaukulang kaso sa Oktubre 5.

Dagdag pa nito na nakipagpulong na ang DOJ sa PNP nitong Oktubre 1 para pinag-usapan ang naging findings ng DOJ panel.

Noon pang Hunyo aniya ay pinag-aralan na rin ito ng PNP Internal Affairs Service (IAS).

Matapos aniya noon ay nagsumite rin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mahigit 100 records na may parehas na kaso.

Sa ginawang pagpupulong ay nagkasundo ang PNP at DOJ sa pamamagitan ng NBI na bumuo ng parehas ng imbestigasyon para sa pagbuo ng administrative at criminal case.