-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan ang 15 katao matapos ang naganap na pagsabog sa isang laundry shop sa Malate, Maynila nitong Lunes ng gabi.

Base sa imbestigayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) dakong ala-7:30 ng gabi ng maganap ang pagsabog na agad na naapula matapos ang limang minuto.

Nagmula umano ang pagsabog sa nag-leak na Liquefied petroleum gas (LPG) na ginagamit sa laundry shop.

Kabilang sa mga nasugatan ay mga estudyante na kumakain lamang sa katabing karenderya ng sumabog na laundry shop.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng pagsabog at maging ang halaga ng damyos sa insidente.