Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Nananatili ngayon sa evacuation center ang aabot sa 15 pamilya matapos na matupok ng apoy ang 14 na kabahayan sa bahagi ng Barangay Capoocan, Calbayog, Samar.

Batay sa report ng Calbayog PNP, nasunog ang naturang kabahayan matapos na tumama ang malakas na kidlat sa isang wiring power supply sa bahay na pagmamay-ari ng isang Donna cal Disbarro.

Umabot sa alarm level 3 na mabilis na lumamon sa 14 na kabahayan na gawa lamang sa light materials.

Maswerte naman na walang naiulat na namatay mula sa naturang insidente.

Nanatili pa ngayon sa Capoocan Elementary School ang mga biktima na kaagad naman nabigyan ng karampatang tulong ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).