Binigyan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ng special permits ang walong pampasaherong sasakyang pandagat para maibsan ang problema ng transportasyon dahil sa limitadong bigat na ipinapatupad sa mga dumadaan sa San Juanico Bridge.
Ayon sa MARINA na ang 30-day special permits ay kanilang inilaan sa pitong land craft tank (LCT) at isang Roll-on/Roll-off (RORO) vessel na mag-ooperate sa pagitan ng Calbayog sa Samar at Ormoc City sa Leyte.
Ang hakbang na ito ay base na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos na tiyakin na hindi maantala ang mga paggalaw ng mga produkto at mga mananakay.
itinuturing kasi ng MARINA na crucial ang pagbubukas ng bagong rota ng mga sasakyang pandagat para mapanatili ang inter-island connectivity at pagpapatatag ng ekonomiya.
Magugunitang nitong Martes ay inilagay sa state of emergency ang probinsiya ng Samar dahil sa weight limit na ipinapatupad sa San Juanico Bridge na siyang nakasira sa daloy ng mga supplies mula Leyte.