BAGUIO CITY – Nananatiling drug-affected ang 15 sa 128 na barangay sa lunsod ng Baguio.

Ayon kay Police Major Nicomedes Olarte III, hepe ng Drug Enforcement Unit ng Baguio City Police Office (BCPO), apektado pa rin ng iligal na droga ang barangay Dominacan Hill, Lourdes Subdvision, Fairview, Happy Homes, Sto. Nino Slaughter, West Quirino Hill, Pinget, Lower Magsaysay, Gibraltar, Outlook Drive, Loakan Proper, Kayang Extention, Kayang Hilltop, Irisan at Bakakeng Central.

Sinabi niya na mula sa 128 na barangay ng Baguio City ay 109 ang naideklarang drug-cleared habang apat ang maituturing na unattended.

Nakilala naman bilang drug unaffected ang Country Club Barangay, Upper Dagsian, Happy Hallow, at Lower General Luna.

Sinabi ni Olarte na puntirya ng BCPO na malinisan mula sa iligal na droga ang lahat ng barangay sa City of Pines sa pinaka-madaling panahon.