Sinibak sa puwesto ang nasa 15 kapulisan ng Quezon City matapos ang pagtakas ng anim na Chinese sa Camp Karingal.
Inatas mismo ni Quezon City Police District chief Police Brigadier General Ronnie Montejo ang nasabing pagsibak sa mga kapulisan na nakatalaga sa mobile force battalion ng distrito.
Dinisarmahan ang mga ito at isinumite na ang kaso sa Crimininal Investigation ang Detection Group (CIDG).
Nahaharap ang mga ito ng paglabag sa Article 224 ng Revised Penal Code o “Evasion through Negligence” at administrative case.
Ibinahagi rin ni Montejo na naaresto na rin ang nasabing anim na Chinese naitonals malapit sa creek sa Mapagkumbaba Street ng Barangay Kurs na Ligas.
Ang mga Chinese ay inaresto dahil sa pagtatrabaho ng walang kaukulang dokumento at mga visas sa Barangay Bago Bantay at pawang empleyado ng isang Philippine Offshore Gaming Operator na hindi pa pinapayagang mag-operate pa sa bansa ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o (PAGCOR).
















